Wala pa ring humpay ang pagdating ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 hanggang ngayong oras mula kaninang umaga ngayong araw ng Lunes Santo.
Ang mga ito ay uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya o magbabakasyon ngayong Mahal na Araw.
Sa ngayon ay wala pang inilabas na advisory ang NAIA hinggil sa mga canceled flights dulot ng Bagyong Agaton.
Kaugnay nito ay naglabas ng mga paalala ang pamunuan ng NAIA sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa.
Nararapat umano ay nasa airport na dalawang oras bago ang oras ng departure.
Magdala ng valid identification cards/travel documents.
I-check ang mga travel restrictions sa patutunguhang lugar.
Magpabakuna at dalhin ang inyong vaccination card.
Magsuot ng face mask at siguraduhing magdala ng extra masks.

I-obserba ang social distancing at iwasan ang close contact sa ibang grupo.
Iwasan ang paghawak sa mata, ilong at bibig.
Huwag nang bumiyahe pa kapag masama ang pakiramdam. (Clay Marquez)