Tiniyak ng Commission on Elections na daragdagan pa nito ang mga polling posts sa Hong Kong matapos dumagsa kahapon ang ating mga kababayan sa unang araw ng overseas absentee voting.
Sa isang panayam, nilinaw ni Comelec Commissioner George Garcia na mayroon pa namang naka-standby na mga precints at vote counting machines sa Hong Kong at hindi lang ito na-deploy kaagad.
Discretion na raw kasi ng Hong Kong post na hindi gamitin ang limang units kahapon. Sa kabila nito, dahil sa pagdagsa ng mga OAVs ay maaari na itong ipagamit.

Ayon kay Garcia, nakatakda silang magsagawa ng en banc meeting para madagdagan pa ang polling precints dito dahil sa ‘overwhelming’ na bilang ng mga nais makaboto.
Sa kasalukuyan, inaaral lang daw nila kung paano mapaparami ang polling precints, habang sumusunod pa rin sa health protocols, lalo na’t may outbreak ngayon ng Covid-19 sa Hong Kong.
#