Parlade, nagbitiw na sa NTF-ELCAC- Lorenzana

Nagbitiw na sa posisyon ang kontrobersyal na lider ng Southern Luzon Command na si Lieutenant General Antonio Parlade Jr., mula sa anti-insurgency task force ng gobyerno.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagresign si Parlade ilang linggo na ang nakakaraan.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Nakatakdang mag-retiro mula sa military service si Parlade sa July 26 at bukod sa pagiging SolCom commander, nagsilbi rin sya bilang isa sa spokespersons ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Di alam ni Lorenzana kung iha-hire ulit  ng NTF-ELCAC ang opisyal.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mababatid na napuna ng ilang mambabatas at organisasyon si Parlade dahil sa red-tagging at pagdadawit nito sa mga personalidad at grupo sa komunistang rebelde kabilang na ang mga personalidad na sina Liza Soberano at Angel Locsin.