Implementasyon ng health protocols sa LGU level dapat paigtingin pa

CAMARINES NORTE- Naniniwala ang Provincial Health Office (PHO) na mas dapat pang higpitan ang implementasyon ng health protocols sa lebel ng mga Local Government Units (LGU’s) upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID- 19.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, dapat umanong seryosong ipatupad ang ordinansa at bigyan ng kaukulang penalidad ang violators kung kinakailangan.

Aniya kapag nakita ng mga tao na seryoso ang gobyerno sa pagpapatupad ng Minimum Health Standards ay susunod  ang mga ito.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Noong ipatupad umano ang EnhancedCommunity Quarantine (ECQ) ay lahat naman daw sumunod at walang masyadong naging problema.

Sana raw kahit nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lalawigan ay dapat sumunod ang mga tao.

Kahapon, dumalo si Francisco kasama si Provincial Health Officer I Dr. Rachelle Diezmo sa pagpupulong ng mga Alkalde upang iprisenta ang sitwasyon ng COVID- 19 at hilingin sa mga ito na paigtingin pa ang pagpapatupad ng mga panuntunan.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Samantala, simula naman ngayong araw July 1, 2021 ay pinaikli muli ang oras ng curfew sa buong lalawigan.

Batay sa inilabas na advisory ng Provincial Incident Management Team, ang oras ng curfew ay mula alas 10 na ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw mula sa dating  alas 12 ng hatinggabi.