Sen. Gatchalian kay Mayor Guo – ‘Kahit ako pa magbayad ng pa-DNA test ninyo!’

Dinepensahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang hamon nito kay Bamban Mayor Alice Guo na magpa-DNA test kasama ang itinuturong nanay nito na si Wen Yi Lin.

Ito ay kasunod ng sinabi ng kampo ng alkalde na ang Senado ang dapat magpatunay ng ugnayan ni Guo at Wen Yi Lin.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Sen. Sherwin Gatchalian, sinabi nitong kahit siya na raw ang magbayad ng pagpapa-DNA test.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Samantala, palagay umano ni Gatchalian na hindi papaboran ng Ombusdman ang inihain ng kampon ni Guo na mosyon para i-lift ang suspensyon ng alkalde.

Aniya, hindi rin ito makabubuti sa imbetsigasyon.