Parada ng Lechon, kanselado; liquor ban ipatutupad sa Balayan, Batangas

Balayan, Batangas -Apat na araw ang pagpapatupad ng liquor ban kasabay ng pagkansela sa padiriwang ng tradisyon nang Parada ng Lechon sa Balayan, Batangas.

Sa ipinabatid na impomrasyon ni Balayan Mayor JR Fronda, nais nitong kanselahin ang taunang parada ng lechon kasabay ng inuman ng nakalalasing na alak dahilan maari itong maging “super spreader” ng covid19 virus sa kanilang lugar maging ng mga turistang posibleng dumayo sa kilalang aktibidad na ito.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang parada ng lechon ay ginagaganp tuwing kapistahan ni Saint John de Baptist a-bnte kwatro ng Hunyo kung saan may basaan, pagparada ng lechon baboy na karamihan ay nakasuot ng ibat ibang costume kasabay ng inuman sa tbing kalsada at ibat ibang lugar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang parada ng lechon sa Batangas ay dinadayo ng mga lokal at dayuhang turista mula sa ibat ibang lugar sa buong mundo.

Kinansela ang gawaing ito ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng mapanganib na virus sa naturang lugar, ipatutupad ito sa pamamagitan ng executive order na magmumula sa tanggapan ni Mayor Fronda.