Deserve raw ni LJ Reyes na maging masaya.
Ito ang maikling Paolo Contis sa isang panayam sa kanya tungkol sa engagement ng kanyang ex-partner na si LJ.

Hindi nakaiwas si Paolo nang maabutan siyang dumalaw sa manager niyang si Lolit solis na nagpapa-dialysis sa isang ospital sa Quezon City.
Ang mahalaga raw ngayon ay masaya ang dating karelasyon.
Sabi ni Lolit, nakikita naman daw niyang masaya si Paolo para kay LJ. Pero mas masaya raw siya kapag makikita na ni Paolo ang anak niya kay LJ na si Summer na nasa New York ngayon.
Kamakailan, inamin ni Paolo na girlfriend na niya si Yen Santos na dati nang napapabalitang third party at naging dahilan ng breakup nila ni LJ.
Nauna nang itinanggi ni Paolo na naging third party si Yen sa kanilang relasyon.//CA