Sisi Rondina, nangakong Pilipinas ang irerepresenta sa AVC

Nakatakdang bumalik sa taraflex si Sisi Rondina upang iwagayway ang ating watawat at irepresenta ang Pilipinas.

Inaasahang palalakasin ni Rondina ang Philippine women’s volleyball team sa pagsabak nito sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women mula Mayo 22 hanggang 29.

Kinumpirma naman nito ang kanyang pangako sa bansa matapos matanggap ang silver medal sa pagtatapos ng PVL Alll Filipino Conference sa ilalim ng koponanng Choco Mucho.

Ginugol ni Rondina ang nakalipas na ilang taon bilang kinatawan ng Pilipinas sa beach volleyball, na nanalo ng dalawang bronze medal sa 2019 at 2021 na edisyon ng Southeast Asian Games.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *