Paolo Banchero piniling maglaro sa Team USA sa FIBA ​​

Mas piniling maglaro sa Team USA ni NBA 2022 top overall pick na si Paolo Banchero sa FIBA ​​World Cup na magsisimula sa August 25 sa Maynila.

Si Banchero ang ika-11 American professional player na nakipag-commit sa squad.

Ang Orlando Magic forward ay isinilang sa U.S. ngunit may Italian passport at dati nang sinabing maglalaro sa Team Italy sa tournament.

Ang Italy ay ka grupo ng Gilas Pilipinas sa Group A kasama ang Angola at Dominican Republic,

Gayunpaman, pupunta pa rin sa Pilipinas si Banchero dahil ang USA ay nasa group C kasama ang Greece, New Zealand at Jordan na maglalaro sa group phase sa SM Mall of Asia.//CA