“Parang perfect boyfriend “, yan ang pagsasalarawan ni Cristine Reyes sa kanyang kasintahan na si Marco Gumabao.
Sumalang ang dalawa sa lie-detector challenge sa isang video interview sa kanila ni Bea Alonzo.
Sabi ni Christine “Kasi si Marco, naiintindihan niya lahat. Parang hindi ako makapaniwala at his age.”
Si Marco ay 28 yrs old habang mas matanda naman sa kanya si Cristine na 34 yrs old.

Nito lamang Abril nang aminin ni Marco sa pamamagitan ng Instagram post ang relasyon nila ni Christine.
Nagulat daw si Cristine nang aminin ni Marco sa publiko ang kanilang relasyon.
Ayon sa aktres, limang taon siyang naging single mula nang maghiwalay sila ni Ali Khatibi, ang tatay ng kanyang anak na si Amarah.
Sa kabila nito’y on good terms naman daw sila ni Ali at nag-co-parenting kay Amarah.//CA