PAOCC – walang nakikitang liability sa BI sa naging pagtakas ni Guo

Walang matibay na ebidensya na may ugnayan sa pagitan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio, wala silang nakitang posibleng liability sa BI.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Dagdag pa nito, maaaring walang tauhan mula sa BI ang nag-accomodate na makalabas si Guo ng bansa.

Sa kabila niyan, sinabi ni Casio na ang testimonyang ito ay mula kay Shiela, at kailangan pa ring marinig ang testimonya ni Alice.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Mababatid na inakusahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang BI na tumulong sa pagsibat ni Guo palabas ng bansa sa kabila ng congressional investigation sa mga krimeng ginawa nito kaugnay ang ilegal na gambling operations sa kanilang bayan.