Cassandra Li Ong – no show sa pagdinig ng Senado

Hindi sumipot si Cassandra Li Ong sa hearing ng Senate Subcommittee on Justice hinggil sa kaugnayan nito sa nasibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo ngayong araw.

Sa hearing, tinanong ni subpanel head Risa Hontiveros ang committee secretary kung a-attend ba si Ong.

Read More:  Comelec insists 2028 national elections will push through

Dito na kinumpirma ng kalihim na hindi ito sisipot dahil nasa ospital umano ito.

Batay sa liham mula sa Quadcom ng Kamara, hindi makadadalo si Ong dahil inabisuhan ito ng doktor na ma-confine sa ospital ng 2 hanggang 3 araw matapos bumaba ang blood sugar at blood pressure sa kalagitnaan ng pagdinig ng House of Representatives kahapon.

Read More:  VP Sara Duterte camp slams Ramil Madriaga as liar in perjury case

Mababatid na kasalukuyang nasa kustodiya ng Kamar si Ong.