PAOCC – umapela sa PAGCOR na higpitan ang pagi-isyu ng permit sa mga POGO

Nanawagan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na mas pag-igtingin ang regulatory powers at pagbabantay nito sa mga POGO.

Ito ay matapos ipasara ng ahensya ang ilegal na opsital sa Pasay City na pinaghihinalaang nagke-cater ng mga POGO workers.

Apela ni PAOCC Spokesperson Winston Casio, dapat hindi pahintulutan ang mga POGOs sa pag-o-operate sa provisional licenses.

Paliwanag pa nito, karamihan sa nakikitang mga visa na hawak ng mga POGO workers ay hindi visa para sa partikular na Internet Gaming Licensee (IGL) kung saan sila nahuli.

Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na dapat makipagtulungan ang PAGCOR sa Bureau of Immigration upang matugunan ang isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *