PAOCC, planong imbestigahan si dating Bamban Tarlac Mayor Feliciano

Planong imbestigahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission si dating Bamban Tarlac Mayor Jose Antonio Feliciano.

Kasunod ito ng nakitang travel pass na inisyu ni Feliciano sa hinihinalang boss ng POGO na si Huang Zhiyang noong kasagsagan ng pandemya.

Nadiskubre ang travel pass sa sinalakay na villa sa Clark Pampanga.

Huang ang pinaniniwalaang nasa likod ng iligal na POGO sa Bamban at Porac Pampanga.

Tiwala rin si PAOCC spokesperson Winston Casio na ipapatawag ng senado si Feliciano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *