Kaso ng Pertussis sa Bicol Region, patuloy pa rin sa pagtaas -DOH Bicol

BNFM BICOL – PATULOY pa rin ang pagtaas ng kaso ng Pertussis sa rehiyon mula sa iba’t ibang probinsya na umabot na ngayon sa kabuoang 110 batay sa datos ng Department of Health (DOH) Bicol mula Enero 1 hanggang Hulyo 6, 2024.

Tumaas ang kaso sa Albay na umabot na sa 44 cases, 31 cases naman sa Camarines Sur, 29 cases naman sa Sorsogon, may 3 cases pa rin ang Camarines Norte at Masbate at wala pa ring naitatalang kaso sa Catanduanes kasama na rito ang tatlong namatay sa naturang sakit na mula naman sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur at Masbate.

Sa naitala, 75 dito ay clinical cases, 35 naman ang laboratory confirmed cases. Hinihikayat ng DOH na agad magpatingin sa malapit na health center kung may sintomas na ng Pertussis na nararamdaman katulad ng sipon, ubo, at lagnat na lumalala sa loob ng 1-2 na lingo. # # # Pauline Manga, Intern.

Photo Courtesy of DOH Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *