PAOCC, nakatanggap ng umano death threats dahil sa kanilang imbestigasyon sa mga ilegal POGO sa bansa

Inihayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission na ilan sa kanilang tauhan ang nakatanggap umano ng death threats dahil sa isinasagawang imbestigasyon sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Dahil dito, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na lagi silang naka-alerto sa anumang posibleng pangyayari.

Sa kabila nito, iginiit ni Casio na ang PAOCC ay isang civilian agency lamang at ang kanilang mga tauhan ay mga analyst lamang na karaniwang hindi gumagamit ng armas sa mga raid operation.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Nauna nang sinabi ng PAOCC na may nasa 300 POGOs na ilegal na nag-ooperate sa bansa na ayaw sumunod sa regulasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.