PAOCC, hindi naniniwalang may banta sa buhay ni Alice Guo

Hindi kumbinsido ang Presidential Anti-Organized Crime Commission na may banta sa buhay ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay PAOCC Usec. Gilbert Cruz, hindi niya maisip kung sino ang nagbabanta sa buhay ni Guo kung hindi naman niya inilaglag ang pangalan ng kaniyang kasamahang sindikato.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Mababatid na humingi ng tulong ang dating alkalde kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr. dahil mayroon umano siyang death threat.

Giit ng PAOCC namuhay ang pamilyang Guo na puro kasinungalingan kayat hindi na be-benta ang mga dahilan at palusot ng pinalsik na alkalde.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Una nang sinabi ng legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David na may banta umano sa buhay ng dating alkalde dahilan kung bakit hindi siya sumuko sa mga otoridad.