Sinusuri na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kung talaga bang uniporme ng Chinese Army ang natagpuan sa ni-raid na POGO sa Porac, Pampanga.
Ayon kay Usec. Gilbert Cruz, isa sa itse-check ay ang nakitang mga letrang ‘PLA’ na posibleng nangangahulugang ‘People’s Liberation Army.’
Maliban dito, may natagpuan ding name tag na nakasulat sa Chinese.
Target i-trace ng PAOCC kung kaninong uniporme ang natagpuan sa pasilidad gamit ang naturang name tag.
Ihahahalintulad din umano nila ang pangalan na ito sa mga nakuhang passport sa POGO.
Sa huli, sinabi ni Cruz na ang mga gamit na ito ay ipasusuri nila sa kanilang foreign counterpart.