Dead-on-arrival ang isang lalaki matapos saksakin ng kaniyang live-in partner sa Sta. Ana, Maynila.
Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa sinaksak ng babae ang lalaking biktima.
Nagtamo ang biktima ng saksak sa dibdib.
Sa imbestigasyon ng pulisya matinding selos umano ang naging dahilan ng krimen.
Kasong homicide ang isasampa laban sa suspek.