Palawan, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang ilang bahagi ng Palawan.

Matatandaang bihira makaranas ng lindol ang ang isla ng Palawan dahil walang aktibong fault dito.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang lindol 2:58 ngayong hapon.

Ang sentro nito ay na-record sa layong 23 kilometro Silangan ng Roxas, Palawan.

Tectonic ang origin nito, at may lalim na 26 kilometro.

Wala namang inaasahang aftershocks, at mga pinsala.

Naitala ang intensity III sa Roxas, Palawan, habang intensity I sa Cuyo at Narra, Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *