PAO Chief Acosta pumalag sa bansag na ‘anti-vaxxer’

Pumalag si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta sa pagbansag sa kanya bilang ‘anti-vaxxer’.

Ito ay matapos aminin ni Acosta na hindi pa siya nababakunahan kontra COVID-19.

Paliwanag ng PAO chief walang katotohanan na hindi siya naniniwala sa bisa ng bakuna dahil sa katunayan kumpleto umano siya ng anti-cancer vaccines.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Maliban dito binigyan diin ni Acosta na halos lahat ng mga miyembro ng kanyang pamilya, pati ang kanyang panganay na anak ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ipinaliwanag naman ni Acosta na kaya hindi pa siya nagpapaturok laban sa COVID ay dahil hinihintay pa niya ang pagdating ng protein-based vaccine batay na rin sa payo ng kanyang doktor.