Lalaking pipi at paralisado, muli umanong nakalakad at nakapagsalita matapos maturukan ng COVID-19 vaccine?

India—Usap-usapan ngayon ng Indian netizens ang tungkol sa bali-balitang isang lalaking paralisado at hindi makapagsalita ang gumaling matapos na maturukan ng bakuna kontra COVID-19.

Sakabila ng patuloy na pagtaas ng mga COVID-19 cases at pagkaka diskubre ng iba’t-ibang mga variants ng naturang virus, marami pa rin ang takot at ayaw na tumanggap ng bakuna sa pangambang ito ay magdala ng peligro sa kanilang kalusugan.

Bagay na salungat sa naging testimonya at kwento ng 55-anyos na lalaking si Dularchand Munda, mula sa Jharkland, India.

Ayon sakanya, limang taon na ang nakakaraan simula nang siya ay maparalisa at mawalan ng kakayahang makapagsalita matapos na masangkot sa isang car accident na nag resulta sa pagkakaroon niya ng ‘spine injury.’

Mula noon, nakaratay na lamang si Munda at hindi na kailanman naka kilos at nakapag salita.

Nito lamang January 4, 2022 nang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 si Munda, matapos aniya ang ilang oras nang tanggapin niya ang bakuna, muli niyang naramdaman ang kanyang mga binti at matapos ang ilang araw, nakatayo at nakapagsalita na siyang muli.

Ang naturang pangyayari ay nag-iwan ng malaking katanungan at kuryosidad sa mga health expert sa naturang bansa at maging ang mga ito ay hindi makapaniwala sa naging recovery ni Munda.

Sa kasalukuyan, bumuo na ng isang team ang mga eksperto upang pag-aralan ang nangyari kay Munda.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol