Panukalang P934 milyon budget ng CHR para sa 2024, aprubado na

Inaprubahan na ng senado ang panukalang P934 milyong budget ng Commission on Human Rights para sa 2024.

Ito ay matapos ipagpaliban ng mga senador nang isang linggo ang pagtalakay sa budget ng naturang komisyon dahil sa isyu ng aborsiyon.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sa plenaryo hiningi ni Sen. Jinggoy Estrada sa CHR na magkaroon ng malinaw na posisyon tungkol sa pagpapalaglag ng bata.

Sa pahayag naman ng Commission na ipinadala sa Senado noong November 17, sinabi nila na kontra pa rin sila sa abortion ngunit nakikiusap sila na ma-amyendahan ng batas para mapayagan ang medical procedure sa mga kondisyon na maglalagay sa panganib sa mga nagbubuntis.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Humingi naman ng tawad si CHR Atty. Richard Palpal-latoc kay Majority Leader Senator Joel Villanueva matapos malaman ng senador na inudyukan siya ng ilang opsiyal ng komisyon na ipasa na ang Sogie Bill.