Magdamagang pila ng mga nagnanais kumuha ng CSE-PPT sa isang mall dito sa bayan ng Daet hindi umano kagustuhan ng CSC

CAMARINES NORTE – Hindi umano kagustuhan ng Civil Service Commission na pumila magdamag ang mga nagnanais kumuha ng Career Service Examination Pen and Paper Test para mabigyan ang mga ito ng slot.

Sa isang pahayag binigyang diin ng CSC Region V na dini- discourage nga ng opisina ang magdamagang pagpila at mistulang camping sa labas ng isang mall dito sa bayan ng Daet para na rin sa kaligtasan at seguridad ng mga interesadong aplikante.

Kaugnay nito ay inabisuhan ng CSC ang lahat ng aplikante na may N-List generated application form na magtungo sa Provincial Field Office sa Barangay Camambugan, ngayong araw, November 24 mula alas 8:30 ng umaga hanggang mapuno ang available slots para sa Novemver 28 hanggang December 6, filing schedule.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Hindi rin daw pinapayagan ang maagang pagpila sa CSC Provincial Field Office.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang netizens at idinaan ito sa social media.

Suhestiyon ng marami na dapat ay mayroong schedule ang bawat aplikante tulad ng dati upang maiwasan na ang kahalintulad na pangyayari noong nakaraang gabi.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang iba naman ay gusto ang online appointment.

Kung maaalala ay una nang sinabi ni Director II Atty. Alicia Salinas ng CSC Camarines Norte Field Office sa naging panayam ng Brigada News FM Daet na nasa 1, 450 ang allotted examinees para sa Camarines Norte, 1, 300 dito ay professional habang 150 naman sa sub professional at ang registration ay ‘first come, first served basis.’