Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukala na naglalaman ng P5.768 trilyon na pambansang pondo para sa taong 2024.
Dalawampu’t isang senador ang bumoto pabor sa pag-apruba ng 2024 General Appropriations Bill (GAB) zero negative vote at isang abstention.
Nag-abstain si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III dahil sa kanyang pagtutol sa sertipikasyon ng GAB bilang urgent.
Bago ipasa sa ikatlong pagbasa, binaggit ni Sen. Sonny Angara na may pangunahing amendment sa bersiyon ng Kamara subalit hindi ibunyag ang halaga.
Binanggit lang ni Angara ang P1 bilyon augmentation sa pondo ng Department of Science and Technology at P50 milyong dagdag sa Learner Support Program ng Department of Education.
Ang P5.768 trilyon panukalang pondo para sa susunod na taon ay 9.5% pagtaas mula sa 2023 national budget.
