Panukalang online voter registration lusot na sa Kamara

Lusot na sa Kamara ang panukalang online voter registration.

Sa 307 yes votes, madaling naipasa sa Kamra sa ikatlo at huling pagbasa kahapon ang panukalang naglalayong i-institutionalize ang online voter registration.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ang panukala, na nakapaloob sa House Bill No.7241, ay naghangad din na palakasin ang proseso ng pagpaparehistro ng mga botante sa kabuuan.

Aamyendahan ng panukala ang The Voter’s Registration Act of 1996 o ang RA 8189 upang mas maraming mahikayat na magparehistro upang makaboto.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ang electronic filing ng voter registration ay bukod pa sa personal filing sa pamamagitan ng pagpunta sa tanggapan ng election officer. Nakasaad din sa panukala na ipagbabawal na ang paglipat ng isang botante sa ibang barangay sa loob ng 120 araw bago ang regular na halalan at 90 araw bago ang isang special election.//CA