Panukalang batas para magkaroon ng social pension ang mga magsasaka at mangingisda ihahain ni Camarines Norte First District Rep. Josefina Tallado sa pagbubukas ng 19th Congress

CAMARINES NORTE- Ihahain ni Camarines Norte First District Representative Josefina Tallado sa pagbubukas ng 19th Congress ang panukalang batas na lilikha sa Agricultural Pension Fund para sa social protection ng mga mahihirap na agricultural workers.

Layon nito na magkaroon ng social pension ang mga magsasaka at mangingisda na kadalasan ay hindi nakakasali sa pensyon ng Social Security System (SSS) dahil sa kakulangan ng kontribusyon bunsod na rin ng kahirapan.

Nakapaloob sa Agricultural Pension Fund Bill ni Rep. Tallado ang mga benepisyong tulad ng Pension Benefit na maaaring ma- avail ng mahirap na agricultural workers na nakakumpleto ng 120 monthly contributions.

Ang iba pang benepisyo na nakapaloob sa panukalang batas ay health, disability, maternity, calamity, death and other benefits.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sa ilalim ng naturang panukalang batas ang mga magsasaka at mangingisda na matutukoy bilang “extremely poor” ay makaka- avail ng full subsidy mula sa national government at Local Government Unit.

Ang mga kabilang naman sa “non- extremely poor” agricultural workers ay magbibigay ng personal contribution na may counterpart subsidy mula sa national government at LGU.

Mayroon din itong probisyon para sa karagdagang suporta sa agricultural workers na nagkakaedad na.

Sa ilalim ng naturang probisyon ang mga mahihirap na magsasaka at mangingisda sa panahon na maipatupad ang batas na nagnanais pa ring maging bahagi sa Agricultural Pension Fund ay magko- contribute na lang hanggang sa pagsapit ng edad na 60 anyos at ang nalalabing kontribusyon ay isu- subsidize ng  gobyerno para makumpleto ang minimum contribution na 120 months.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Aatasan ang mga Local Government Unit na tukuyin ang mga mahihirap na magsasaka at mangingisda sa kanilang nasasakupan

Ang data collection ay pangangasiwaan ng Philippine Statistics Authority alinsunod sa Republic Act 11315 o ang Community- Based Monitoring System (CBMS) Act.

Kada tatlong taon matapos ang pagpili sa eligible beneficiaries, magsasagawa ang LGU ng revalidation ng listahan upang masiguro na lahat ng mahihirap at pinakamahihirap na agricultural workers ay masasaklaw ng programa.

Ang SSS ang magiging administrator ng Agricultural Pension Fund na hiwalay sa Investment Reserve Fund.

Malaki umano ang ginagampanang papel ng mga magsasaka at mangingisda sa food security program ng gobyerno kung kaya’t marapat lang na bigyan din sila ng benepisyo sa panahon na hindi na makapagtrabaho o retirado na.