MOA sa pagitan ng LGU- Basud at DA para sa Community- Based Swine Production aprub sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Inaprobahan ng Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang hiling ni Mayor Adrian Davoco na pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at Department of Agriculture Regional Office V para sa Community- Based Swine Production Through Clustering and Consolidation Project.

Layon nito na makapag- ambag sa suplay ng ligtas at de kalidad na karne ng baboy sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng production at marketing ng nasa 1, 164 na ulo ng finisher sa loob ng tatlong taon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nilalayon din nito na taasan ang local swine inventory ng produksyon ng supply sa pamamagitan ng average annual production ng nasa 388 heads finisher, magbigay ng karagdagang pagkain at kita sa mga maliliit na mambababoy, at ang probisyon patungkol sa modern facilities na may climate- controlled system and biosecurity.

Ang iba pang layunin ng kasunduan ay makapagbigay ng venue para sa trainings, extension at pag- aaral ng mga magsasaka, estudyante at ng interesadong indibidwal.

Sa ilalim ng kasunduan ang DA- Regional Office ay maglalaan at maglilipat ng halagang P44 million sa Farmer Cooperative Association (FCA).

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Kalakip naman nito ay ang pag demand sa FCA na magsumite ng liquidation report, pag refund kung may hindi nagamit na pondo at kung may disallowed amount.

Maaari ding mag demand mula sa FCA na ibalik sa Bureau of Treasury ang full amount na nai- release kung may misappropriation of fund at iba pang mga obligasyon.

Sa panig naman ng FCA kailangan itong lumikha ng Special Implementing Unit, mag sumite ng project procurement documents at iba pa.