Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur umakyat sa 19

NAGA CITY- Umakyat sa 19 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur base sa tala ng Environment  Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO).

9 ang nadagdag kahapon habang may dalawang nakarekober. Ang mga bagong kaso ay taga Sta. Cruz , Bato; Mambulo Viejo sa Libmanan; dalawa naman sa Buhi na mga taga Sta. Elena Poblacion at Sta. Lourdes. Lima naman ang bagong kaso sa Iriga City; dalawa sa Sta. Cruz Sur at isa sa Sta. Elena, Sto. Domingo at San Isidro. Lahat ng kaso ay unknown o hindi alam ang exposure.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa kasalukuyan mayroon nang 17, 027 cumulative cases ang lalawigan mula 2020.

Noong Lunes una nang sinabi ni Department of health Bicol Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino na karamihan sa mga tinamaan ay health care workers gayundin ang ilang mga indibidwal na bakunado ; bakunadong nakampante.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sinabi ring sa loob ng pitong araw tataas pa ang kaso kung hindi gagawa muli ng mga aksyon laban sa sakit tulad ng pagsusuot ng facemask at social distancing.