Pormal nang sinimulan na sa Kamara ang pagsusulong sa pagsasalegal at pagregulate sa motorcycle taxi.
Ito’y matapos talakayin ni House Committee on Transportation chairman Antipolo 2nd district Rep. Romeo Acop sa pagdinig ang ilang mga panukala na humihiling na i-regulate ang motorcycles-for-hire.
Suportado naman ng ilang mambabatas ang naturang legislation, sa layuning matiyak ang seguridad ng mga commuters, habang nagbibigay ng trabaho at kabuhayan sa mga tao.
Sa ilalim ng House Bill (HB) 2833 ni Deputy Speaker at Batangas 6th district Rep. Ralph Recto, binigyang diin ng mambabatas na sa nakalipas na mga taon, ang motorcycles-for-hire o kilala bilang habal-habal, ay ikinokonsidera na bilang pinakamabilis na transportasyon, lalo na sa gitna ng traffic congestion.

Ayon naman kay Cebu 1st district Rep. Rachel Marguerite del Mar, author ng HB No.128, na ang batas na magre-regulate sa motorcycle taxis ay magreresolba sa kasalukuyang kakulangan sa batas, at magpo-promote sa seguridad at kapakanan ng mga tao na mas piniling sumakay sa motorcycles-for-hire. //MHEL PACIA