Ph, naitala ang 791 new COVID-19 cases; active tally 18,016

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 791 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababang daily tally simula noong November 23, nang maitala ang 703 infections.

Ito ay matapos ang anim na mga araw na mahigit 1,000 ang  napapaulat na COVID-19 infections.

Sa gitna nito, bumaba ang active tally sa 18,016, habang ang nationwide caseload ay sumampa pa sa 4,050,866.

Sa ngayon, nananatili ang National Capital Region na may pinakamamataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 5,594, sinundan ng Calabarzon sa 2,331; Central Luzon sa 1,124; Cagayan Valley sa 760; at Western Visayas sa 738.

Mayroon namang kabuoang recovery tally na 3,967,929, habang ang death toll ay umakyat sa 64,921.

Samantala, ang national bed occupancy rate ay nasa 23.8%, kung saan 6,620 ang okupado, at 21,205 ang bakanteng higaan. //MHEL PACIA