Nalulungkot umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ulat, kaugnay sa tila muling paglaki sa problema ng ilegal na droga sa bansa.
Pero ayon kay Sen. Bato Dela Rosa, hindi umano makikialam si Duterte sa ginagawang hakbang ngayon ng administrasyon laban sa naturang problema.
Ang pahayag ng dating chief ng Philippine National Police chief ay matapos ang kanyang privilege speech, kung saan iginiit nito na bumabalik ang mga drug syndicates na mayroong dalang pananakot.
Sa gitna nito, nilinaw ni Bato na nagpapahayag lang ang dating pangulo ng kanyang pagkabahala, lalo’t bumabalik na naman ang mga ninja cops.

Dahil dito, bilang chairman umano ng Senate committee on public order and dangerous drugs, ibinahagi lang ni Dela Rosa ang concern si Duterte, na kailangan maipagpatuloy ng gobyerno at paigtingin pa ang kampanya laban sa ilegal na droga. //MHEL PACIA