Panukala na maghihigpit ng parusa laban sa palsipikasyon ng medical certificates sa gitna ng national health emergencies, inihain sa Senado

Naghain si Senator Richard Gordon ng panukala na magtataas ng parusa para sa palsipikasyon ng mga medical certificates, kabilang na ang test results, at vaccination cards, sa tuwing may national health emergencies.

Sa kaniyang explanatory note, ay sinabi ni Gordon na may karampatang parusa na para sa nasabing paglabag sa ilalim ng Article 174 ng Revised Penal Code (RPC), kung saan ay pwedeng mapatawan ang mga may sala ng maximum period ng arresto mayor hanggang minimum period ng prision correccional at multa na hindi hihigit sa P200,000.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Gayunman, inihain pa rin ni Gordon ang Senate Bill 2315 dahil sa dami ng mga ulat ng pekeng COVID-19 test results sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa gitna ng pandemya.

Ipinunto ni Gordon na pwedeng mabalewala ang efforts ng gobyerno para mapigilan ang paglaganap ng virus dahil sa dami ng mga nagpapasa ng pekeng resulta ng COVID-19 tests.

Layon ng SB 2315 na magsingit ng probisyon sa Article 174 ng RPC, na magpapataw ng prision correcional na nasa medium period hanggang prision correcional na nasa maximum period, at multa na hindi hihigit sa P250,000 sa mga indibidwal, physicians, o surgeons na mapatutunayang nameke ng medical certificates, test result, at vaccination card sa panahon ng national health emergencies.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Samantala, sinabi sa panukala na kung sakaling grupo ng tatlo o higit pang indibidwal ang sangkot sa paglabag ay pwede silang mapatawan ng prision correcional na nasa maximum period nito at multa na aabot sa P1-million.