Proposal kaugnay sa ECQ sa NCR, hindi narinig ng Pangulo dahil sa kawalan ng sound sa presentation ng MMDA chief

Hindi nakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos sa kabila ng presentasyon nito na nagpapakita sa hiling ng mga alkalde ng Metro Manila para sa mas istriktong quarantine measure.

Huli na kasi na nalaman ni Abalos na hindi siya naririnig dahil sa kawalan ng sounds habang siya ay nagpiprisenta sa Pangulo.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ipinaliwanag naman ni Abalos na handa ang mga alkalde sa National Capital Region sa implementasyon ng dalawang linggo na enhanced community quarantine sakaling magkakapondo ang national government para sa pinansyal na ayuda.

Kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagkaroon ng isyu sa sound sa gitna ng talk to the people ni Pangulong Duterte noong gabi ng Miyerkules.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ipinunto ni Roque na matapos niyang basahin ang mga rekomendasyon ay sinabi niya kay Pangulong Duterte na magpipresenta si Chairman Abalos.

Gayunman, wala anyang diskusyon ang nangyari dahil sa kawalan ng sound.