Pantao Port, malaking tulong sa ekonomiya

LEGAZPI CITY – Malaking tulong umano ang Pantao Port sa bayan ng Libon, Albay para sa pag-unlad ng ekonomiya ayon sa Provincial Planning and Development Office (PPDO).

Ayon kay PPDO Coordinator Arnold Onrubia, maliban dito ay magbubukas din ito ng maraming trabaho sa lugar dahil magiging gateway ito ng Visayas area vice versa.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Handang-handa na umano ang Pamahalaang Panlalawigan, lokal na pamahalaan ng bayan pati na ang Philippine Ports Authority para sa soft launching ng port sa oras na maayos na rin ang problema sa kuryente ng Albay Electric Cooperative.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Sa ngayon ay inaayos na rin ng lokal na pamahalaan ang mga requirements upang mabuksan na ang port sa nabanggit na bayan.