Bilang ng naitalang kaso ng dengue sa Albay, pumalo na sa mahigit 30 – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 33 ang naitalang kaso ng dengue sa buong lalawigan ng Albay simula Enero hanggang Agosto 2022.

Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, pinakamaraming naitala na dengue ay mula sa lungsod ng Legazpi na may 12, sinundan ito ng Daraga 11, tatlo sa Tabaco City, tigdadalawa sa Pio Duran at Polangui habang tig-iisa naman na kaso ang bayan ng Guinobatan, Manito, Sto Domingo Ligao City.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nananatili pa rin na zero sa dengue ang bayan ng Rapu-rapu, Camalig, Oas, Jovellar, Bacacay, Tiwi, Malilipot, Malinao at Libon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Paalala ng nasabing tanggapan na sundin ang 4s upang maiwasang magkaroon ng nasabing sakit at mapigilan ang paglobo ng dengue sa mga karatig na bayan at iba pang lalawigan.

Sa ngayon wala pang naitatalang casualty sa dengue ang lalawigan ng Albay.