CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte noong Martes, September 6 at ito ay may local code na Bicol 63028.
Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan ang bagong nagpositibo sa sakit ay isang 39 anyos na babae mula sa Barangay Mambungalon.
Ayon sa LGU wala itong travel history at hindi rin batid ang exposure.
Nakaramdam ng sintomas ang pasyente noong Agosto 29 at kumunsulta sa doktor noong September 5.
Lumabas ang resulta ng RT PCR test na ginawa sa pasyente at ito nga ay nagpositibo sa COVID- 19.
Si Bicol No 63028 ay mayroong Chronic Kidney Disease Stage 5 na naka- isolate ngayon sa Bicol Medical Center.
Tiniyak naman ng LGU na agad kumilos ang Mercedes Inter Agency Task Force at isinagawa ng Infection Prevention and Control measures.
Nagsagawa rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Si Bicol No 63028 ay ang ika- 190 kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.
Kaugnay nito ay nanawagan ang LGU sa publiko na gawin pa rin ang mga kinakailangang pag iingat at suportahan ang Pinaslakas vaccination campaign.
Araw- araw umanong isinasagawa ang pagbabakuna kontra COVID- 19 sa Municipal Health Office bukod pa sa mga Barangay.
