Panibagong engkwentro, sumiklab sa bayan ng Pilar

Nagkaroon ng panibagong engkwentro na sumiklab sa Brgy Sa Antonio (Millabas) PIlar, Sorsogon.

Sa ulat na nakalap ng Brigada News mula sa Pilar MPS, tumagal ng 15 minuto ang engkwentro.

Sangkot dito ang mga kasapi ng Platun 3, KP3, BRPC na agad na umatras patungo sa timog-kanlurang direksyon.

Narekober ng operating team sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang M16 rifle, cellphones, subersibong dokumento at personal na gamit ng mga rebelde.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Wala namang naiulat na nasaktan sa tropa ng pamahalaan. Bilang SOP matapos ang engkwentro, agad na nagkasa ng checkpoint at chokepoint ang Intel operatives ng PNP at nagsagawa ng pagberipika sa mga ospital para sa mga pasyenteng may posibleng mga sugat ng baril.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang combat operations ay pinangunahan ng isang platoon ng Alpha Coy ng 31st Infantry Battalion, Pilar MPS, Sorsogon PPO, PIU-SPPO, 1PMFC, 503rd RMFC at 504th RMFC ng RMFB5 at Albay PPO.

Ito na ang pangalawang engkwentro ngayong taon sa lalawigan, kung saan ang una ay naganap sa Brgy Calmayon, Juban na ikinasawi ng isang miyembro ng Cafgu.