Kinukumpleto na lang ang mga attachment sa kasong isasampa sa driver ng jeep na bumangga sa trak noong Enero 27 sa Brgy San Rafael, Castilla, Sorsogon, pahayag ito sa Brigada News ng Castilla MPS.
Sa ngayon ay nakalabas na ng ospital ang jeepney driver na si Rodolfo Anonuevo Licup, 53-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Buenavista lungsod ng Sorsogon.
Mahaharap ito sa kasong ‘reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injury and damage to property.’
Lumabas kasi sa imbestigasyon ng Pulisya na ito ay nag-counter flow sa pakurbadang parte ng kalsada na naging dahilan ng pagsalpok nito sa isang paparating na Isuzu wing van.
Ang aksidente ay kumitil ng 6 na buhay kabilang na ang dalawang guro at 13 sugatan na pasahero.
