Pangulong Marcos sa pagtakbo ng ‘Duterthree’ sa Senado: “It’s a free country”

“It’s a free country”

Ito ang tugon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagtakbo ng pamilya Duterte sa Senado.

Sa ambush interview sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos na may karapatan silang gawin ang gusto nila.

Malalaman na lang daw kung talagang matutuloy ang plano ng pamilya Duterte pagdating ng filing ng certificate of candidacy sa darating na Oktubre.

Maaalalang kinumpirma ni Vice President Sara Duterte ang pagtakbo sa Senado ni dating pangulong Rodrigo Duterte, Davao Rep. Pulong Duterte, at Davao City Mayor Baste Duterte.

Nang matanong naman tungkol sa plano ni Mayor Baste sa pagtakbong Pangulo para sa 2028 elections, naniniwala ang Presidente na marami pang mangyayari mula ngayon hanggang 2028.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *