Sen. Bato dela Rosa – bukas pa rin umanong dumalo sa House probe sa drug war basta’t dadalo rin si ex-PRRD

Muling idiniin ni dating Philippine National Police (PNP) chief Senador Ronald Bato Dela Rosa na ‘decided’ na siyang hindi siya dadalo sa pagdinig ng Kamara sa drug war.

Ngunit nilinaw naman niyang bukas naman siyang humarap sa mababang kapulungan kung dadalo rin si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Anya, ayaw naman niyang maging mag-isa si Duterte sa pagharap sa mga ito kaya handa siyang samahan ito, bagamat tila ‘case closed’ na ito dahil napag-alaman niya kaninang umaga na walang balak dumalo ang dating pangulo.

Samantala, kung sakaling mapadalo man ito sa Kamara, sinabi niyang inaasahan na niyang posible siyang pagtulungan ng ilang miyembro ng mababang kapulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *