Pangulong Marcos, pinulong ang mga opisyal ng Department of Agriculture ngayong umaga

Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga opisyal at tauhan ng Department of Agriculture.

Ilan sa mga inaasahang tatalakayin ay ang mga hakbang para matugunan ang pinangangambahang krisis sa pagkain sa bansa.

Kabilang sa target ng Kagawaran ay ang pagpapalakas sa produkyon ng pagkain paa maagapan ang food crisis.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Maliban dito, inaasahang mapag-uusapan ang problema sa suplay ng asukal at ang pinaplanong pagdadagdag sa budget sa sektor ng agrikultura sa 2023 national budget.

Ito na ang ikalawang pagbisita ni Marcos sa opisina ng DA.

Matatandaang walang itinalaga ang Pangulo na Kalhiim ng Kagawaran at nag-take over na muna ito hanggat wala pang opisyal na DA Secretary.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Samantala, ngayong hapon naman ay nakatakdang makipagpulong si Marcos kasama ang mga Health officials.

Mababatid na nagtapos ang umiiral na alert level systems sa bansa noong nakaraang Biyernes ngunit in-extend lang ito ng Palasyo hanggang ngayong araw.
#