Kumbinsido ang mayorya ng mga Pilipino na mas credible ang katatapos na 2022 elections kumpara sa mga nakalipas.
Base kasi sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Hunyo, 85% ng mga Pinoy ang tiwalang mas kapani-paniwala ang katatapos na eleksyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Comelec acting Chairperson Socorro Inting na bagamat malayo sa perfection ang 2022 elections, ipinakikita ng mga figures na generally successful ang national at local elections.
Ayon kay Inting, unfair sa Comelec na mahusgahan sa ilang porsyento lang ng malfunctions gayung 99% nga mga Vote Counting Machines ay maayos na nag-operate.
Hindi din naiwasan ni Inting na kuwestiyunin na kapag mabagal ang transmission ng resulta ay marami ang nagrereklamo habang ngayong mabilis naman ay may pagdududa.
Binigyang diin ni Inting na na-addressed nila ang choke points sa transmission noong 2019 na tinawag na 7-hour glitch.
Dagdag pa ng opisyal na napatunayan na din ng audit results na walang basehan ang mga hinala ng dayaan(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#