Nakatakda na bukas ang bilateral meeting ni Pangulong Bongbong Marcos sa bagong Presidente ng Singapore na si Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister and Minister for Finance Lawrence Wong at Senior Minister Lee Hsien Loong.
Ayon sa Pangulo, gagamitin din nito ang pagkakataon, para maimbitahan ang bagong Pangulo at Prime Minister ng Singapore na bumisita sa Pilipinas, bilang testamento ng matibay na ugnayan ng ating mga bansa.
Ipinagdiriwang ng Pilipinas at Singapore ang ika-55 taon ng diplomatic relations.
Nasa Singapore ang Pangulo para sa tatlong araw na work visit.
Si Pangulong Marcos ang naimbitahang keynote speaker ngayong taon sa tinaguriang Asia’s premier defense summit na Shangri-La dialogue 2024 na gaganapin naman bukas, May 31.