Mambabatas, pumalag sa pagpapaliban ng transmittal ng Divorce Bill sa Senado

Kinontra ni Albay Representative Edcel Lagman ang hakbang ng Office of the House Secretary General na ipagpaliban ang pag-transmit sa Senado ng House Bill 9349 o Absolute Divorce Act.

Sa liham ni Lagman kay Secretary General Reginald Velasco, iginiit nitong hindi na kailangang hintayin pa ang aksyon ng plenaryo sa ulat na nag-update sa affirmative votes mula 126 patungong 131.

Agad aniyang itinama ang resulta ng botohan sa mismong araw ng pagkakapasa ng Divorce Bill sa ikatlo at huling pagbasa at ang katotohanan na hindi na maaaring baligtarin ay naabot ang mayorya ng mga bumoto pabor sa panukala sa gitna ng presensya ng quorum.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Paliwanag ng kongresista, hindi maaapektuhan ang resulta kahit na baguhin o dagdagan ang bilang ng “yes” votes ng lima habang hindi nagalaw ang negative votes.

Ni wala umanong opisyal na nagprotesta sa resulta ng botohan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Punto pa ni Lagman, kung gagawin ang correction sa pagbubukas ng Third Regular Session sa July 22 ay hindi naman maiimpluwensiyahan ang mandato ng Secretary General na agarang i-transmit sa Senado ang kopya ng inaprubahang Divorce Bill.

Inilagay naman nito sa liham ang transcript ng audio coverage ng proceedings noong huling araw ng sesyon kung saan walang tumutol sa mosyon na i-transmit sa Mataas na Kapulungan ang HB 9349.