Kinumpirma ng Palasyo na nakatakdang lumipad papuntang Indonesia at Singapore si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa state visits sa susunod na buwan.
Ayon Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, na ang punong ehekutibo ay nasa Indonesia mula Sept. 4-6.
Ang trip naman nito papuntang Singapore ay mangyayari sa Sept. 6-7.
Sa gitna nito, walang ibang detalye na inilabas si Angeles.
Samantala, ang plano naman umanong trip ni Marcos papuntang United States ay kasalukuyang tinatrabaho pa.
Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na nag-uugnayan ang mga opisyal sa para sa potensyal na pulong sa pagitan ni Marcos at US counterpart Joe Biden, sakaling dumalaw ang pangulo sa United States.
