Pagpayag ng mga supermarkets na ibaba ang presyo ng asukal, ‘selfless act’ – PBBM

Sumunod sa panawagan ng local consumers ang mga business tycoons sa Pilipinas, na gawing mas mura ang asukal sa merkado.

Ayon sa Office of the Press Secretary, nagsagawa si Executive Secretary Victor Rodriguez ng susunod-sunod na pulong sa mga may-ari ng Robinsons Supermarket, SM Supermarket, Puregold Supermarket at S&R Membership Shopping, kung saan pumayag umano ang mga ito na gawin ang suggested retail price sa bawat kilo ng asukal na P70.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Ito ay mula sa matas na presyo sa P90 hanggang P110 bawat kilo.

Pinuri naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang selfless response mula sa naturang mga negosyante na nagsasakripisyo hindi lang sa kanilang sariling inventory, kundi pati narin sa kanilang projected business profits, para sa kapakanan ng ma ordinaryong Pilipinos, sa harap na marami ngayon ang kinahaharap na problema ang bansa.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Dagdag nito, ito ay magandang pagpapakita ng Filipino spirit na ‘bayanihan’ at pagmamahal sa bayan.

Samantala, sinabi ni Rodriguez, na maaring asahan ng mga consumers ang pagbaba sa presyo sa mga pangunahing groceries at supermarkets sa buong metro sa susunod na linggo.