Pangulong Duterte, wala pang pinapaborang presidentiable ayon sa Palasyo

Nilinaw ng Palasyo na wala pang pinapaboran na presidential candidate para sa 2022 elections si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Secretary Martin Andanar matapos sabihin ng Pangulo na gusto nito ng successor na may compassion at kung pwede ay isang abogado.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Ayon kay Andanar, para sa Pangulo, ay wala itong susuportahan sa presidential race hanggang wala itong nakikita na compelling na rason.

Natanong naman kay Andanar sa isang briefing tungkol sa reaksyon ng Palasyo sa pagpabor ni Eastern Samar Governor Ben Evardone, PDP-Laban vice president for Visayas, sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Inihayag naman ni Andanar na personal choice ito ni Evardone ngunit hindi niya pa tiyak kung ito ang official stand ng buong PDP-Laban at ng mga opisyal nito.