DFA, ipo-protesta ang incursions sa Philippine Rise

Tiniyak ng Malacañang na aaksyunan ng Department of Foreign Affairs ang nagpapatuloy na incursions sa Philippine Rise.

Sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na maghahain ang DFA ng diplomatic protest laban sa incursions.

Inihayag ito ni Andanar matapos ang pahayag ni National Security Council Deputy Director-General Rufino Lopez Jr. sa hearing ng Senado kaugnay sa nagpapatuloy na panghihimasok ng Chinese vessels sa teritoryo ng bansa.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Noong Lunes ay ipinatawag ng DFA ang top diplomat ng China sa Manila para iprotesta ang presensya ng Chinese Navy sa Sulu Sea ngayong taon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dinipensahan naman ng Chinese government ang pagpasok ng barko nito sa Sulu Sea at sinabi na isa lamang itong innocent passage na alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea.