4-day work week, pinapayagan kahit wala sa batas – DOLE

Inihayag ng Department of Labor and Employment na maaring mag-implementa ng four-day workweek ang employers kahit walang bagong batas o department order para rito.

Inihayag ito ng DOLE matapos imungkahi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang pagpapatupad ng four-day work week para makatipid sa enerhiya at maibsan ang gastos ng publiko sa gitna ng malalaking oil price hikes.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sinabi ni DOLE Undersecretary Benjo Benavidez na naghain na dati sila ng labor advisory kung saan ay sinabi na maaring mag-implementa ng flexible work arrangements ang employers.

Mula noong 2020, ay marami nang kompanya sa Pilipinas ang nag-iimplementa ng flexible work arrangements kung saan ay kabilang sa measures nito ay ang pagpapahintulot ng work-form-home, pagbawas sa normal workdays, at job rotation.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Iginiit ni Benavidez na meron “management prerogative” ang employers sa pag-regulate ng kanilang operasyon.